Kakaunti lamang ang pinayagang makadalo sa unang Misa sa Manila Cathedral sa muling pagbubukas nito matapos ang anim na buwang pagsasara dahil sa banta ng COVID-19.
Makikita sa mga larawan ng unang Misa na ang dating punong-puno na Katedral sa tuwing idaraos ang banal na pagtitipon, ay aalog-alog lamang noong Miyerkules ng umaga, sanhi ng pagtalima ng mga pari sa mga patakaran laban sa COVID-19.
Bago papayagang pumasok ang mga parokyano sa Instramuros, magpi-fill out muna sila ng contact tracing form.
Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsuot ng face mask at face shields. —may ksamang ulat ni Danny Pata/LBG, GMA News