Kahit na-stroke na, halos apat na oras ang nilalakad ni Tatay Johnny Guinacaran para makapasok sa trabaho. Si Christian Salazar naman, anim na oras ang nilalakad mula sa Valenzuela papuntang Marilao sa Bulacan.

Sa halip kasi na gumastos pa sa pamasahe, nais nilang matipid ito para maidagdag sa panggastos sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Kaya naman para maigbsan ang kanilang hirap sa pagtataguyod sa kani-kanilang pamilya, hinandugan sila ng libreng bisikleta mula sa "Unang Hirit Ligtas-Padyak Project!"  Panoorin ang video at alamin ang kuwento ng dalawang dakilang ama.

--FRJ, GMA News