Hindi naging problema ang kawalan ng pampublikong sasakyan para sa isang grupo ng mga kabataan sa Victoria, Tarlac, na sumasakay sa mga kabayo para iabot ang kanilang tulong.
Tatlong beses sa isang linggo namimigay ng tulong ang magbabakarkada sa kanilang lugar, ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado.
Ang bawat supot na kanilang dala, may lamang pagkain gaya ng gulay na iniaabot nila sa mga madaraanan.
Sinabi ng grupo na aabot na sa mahigit P100,000 ang halaga ng mga naipamahagi nila sa mga nangangailangan.
Patuloy daw itong gagawin ng grupo hangga't mayroong COVID-19.
Bukod sa pasasalamat, mababakas din ang saya sa mga nabibigyan ng tulong. — Jamil Santos/DVM, GMA News
Grupo ng kabataan, sumasakay sa kabayo para sa kanilang relief operations sa Tarlac
Abril 26, 2020 1:00am GMT+08:00