Matapos makaligtas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ibinahagi ni Senador Sonny Angara ang kaniyang naging karanasan sa pakikipaglaban sa sakit, mga pangambang pumasok sa kaniyang isipan, at mga plano matapos malampasan ang nakamamatay na virus.
Sa mensaheng ipinadala ni Angara sa GMA News Online, inihayag ng mambabatas na nagpa-COVID 19-test siya noong Marso 16, isang araw matapos siyang makaranas ng mga sintomas ng sakit tulad ng bahagyang lagnat, pananakit ng katawan, panunuyo ng lalamunan na may kasamang pag-ubo, pagtatae at kinakapos ng hininga.
Kaagad daw niyang inihiwalay ang kaniyang sarili sa kaniyang asawang si Tootsy at mga anak bilang pag-iingat.
Nang araw na nagpakuha siya ng test, nalaman din nila kinalaunan na nagpositibo sa virus ni Senador Juan Miguel Zubiri.
"This further convinced me of the big chance I had also contracted it because Senator Zubiri and I were together in the Senate and in functions the week before," ayon kay Angara.
Sampung araw pa ang lumipas bago lumabas ang resulta ng COVID-19 at lumitaw na positibo sa virus ang senador.
Ayon kay Angara, hindi na siya masyadong nagulat pero aminado siyang nangamba nang makumpirmang taglay niya ang virus na maraming buhay na ang inagaw.
"Thoughts go racing through one's head of mortality, of having young children and wishing to see them pass through life's milestones down the road; there was an activation of one's fight-or -flight response for sure," saad niya.
Bagaman nalaman na niya na positibo siya sa virus, sinabi ng senador na hindi kaagad siya nagpaospital sa kabila ng mga mungkahi ng ilang kaibigang duktor para masuri ang kaniyang baga, na kabilang sa mga inaatake ng virus kaya nahihirapang huminga ang mga pasyente.
Pero makalipas ng mahigit isang araw, pumayag na umano siyang magtungo sa ospital at magpa-X-rays. Doon na nakita na may mga puting marka sa kaniyang baga na presensiya ng virus at pagkakaroon niya ng pneumonia.
"That's when it sunk in that this could be a lot worse than I anticipated or felt. Thoughts of intubation and being on a ventilator flashed through my head," patungkol niya sa ilang pasyenteng naging malubha ang kalagayan dahil sa virus.
Dahil sa payo ng mga duktor na traydor ang COVID-19 na maaaring maayos ang paghinga mo ngayon pero bukas ay hindi na, sinunod umano ni Angara ang hiling ng mga mahal sa buhay na magpa-confine na ospital para matutukan ang kaniyang kalagayan lalo pa't mayroon na siyang pneumonia.
"Thus began my hospital journey. We were told there were no rooms available in St Luke's BGC but that I could stay in the emergency room (ER), while waiting for a regular room," kuwento niya.
"I was placed in a makeshift corner of the ER where I stayed for four days waiting for a regular room. The room hardly had natural light and had grey concrete walls which partly dictated the mood for those four days of testing my heart lungs and what have you," dagdag niya.
Binigyan umano siya ng mga duktor ng iba't ibang uri ng gamot na ang ilan ay ginagamit din para sa sakit na malarya at lupus, at mayroon ding para sa mga HIV patient.
Sa paglipas ng mga araw, bumubuti na umano ang kaniyang pakiramdam.
Naniniwala siyang nakatulong din ang ginawa niyang pag-aalaga at pagpapalakas sa kaniyang katawan tulad ng paglalaro ng basketball.
Pagkaraan ng apat na araw sa emergency room, nailipat siya sa regular na kuwarto kung saan nanatili pa siya ng limang araw hanggang sa makuha niya ang resulta ng panibagong test na negatibo na siya sa virus, at pinayagan na siyang makauwi.
Bukod sa mga gamot, pangangalaga ng mga duktor, nurses at hospital staffs, nagpasalamat si Angara sa kaniyang maybahay at mga mga anak, at sa mga taong nagmalasakit at nagdasal para sa kaniyang paggaling.
"My spirits were buoyed by the show of support from friends and family through thousands of messages by phone or social media. There were also gifts of food and home-cooked meals (no disrespect to hospital food). Most importantly, there were letters from my wife and kids and people saying I was in their prayers," sabi niya.
Patuloy niya, "When you are down there is nothing like tens and hundreds of your friends and school co-parents praying for your recovery. I thank the Lord for I felt his intervention through friends' and strangers' acts of kindness."
Naging daan din umano ang naturang karanasan niya sa virus para lalo pang mapatatag ang kaniyang pananampatalaya.
"Those many hours in the hospital initially spent on social media platforms and Netflix gave way to more silent and meditative moments where I would ask God what he wanted me to do and me asking him to point me in the right direction. This episode has definitely strengthened and regenerated my faith and my conviction," pahayag niya.
Dahil pa rin sa kaniyang naging karanasan sa COVID-19, napagtanto umano ni Angara nang makauwi na siya sa bahay kung papaano niya hindi nabibigyan ng halaga na mga simpleng bagay sa buhay .
"You appreciate the simple things you take for granted as I sipped homemade hot chocolate and calamansi juice and ate warm pandesal while looking at the sunset. How we take some things for granted, it occurred to me," lahad pa niya.
Labis din ang pasasalamat ni Angara sa magigiting na mga duktor at mga nurse na nag-asikaso sa mga katulad niyang pasyente. Sa kabila ng kanilang sakripisyo, ikinalulungkot ng senador na may ilang health worker na nakararanas ng diskriminasyon.
"One nurse told me that his colleagues were being discriminated against in their localities and were being kicked out of their boarding homes; some no longer went home and stayed in the hospital or nearby housing. Some did double duty in other hospitals because they were short of qualified staff," kuwento niya.
Sa sandaling magbalik sa trabaho, inihayag ni Angara na ilang panukalang batas ang nais niyang isulong para mapalakas ang health care system sa bansa at mabigyan ng pagpapalaga ang sektor na napapabayaan.
"I thought as a public servant how we need to invest even more in our health system, as we see how different health systems all over the world cope with varying degrees of success with the virus," anang senador.
Pero habang hindi pa tapos ang laban sa COVID-19 at patuloy na umiiral ang enhanced community quarantine, hinimok ni Angara ang publiko na manatili muna sa bahay.
"This is our generations' war and unlike past wars we are not called upon to bear arms and confront death everyday like our grandparents' generation. We are simply called upon to sacrifice our many freedoms and stay home with our families," anang senador.
"It's not easy but keeping things in perspective it's not terribly difficult either. It is a test of our fortitude. It is also a test for our leaders," dagdag niya. --FRJ, GMA News