Patay matapos pagtatagain ang isang karpintero sa Quezon City.

Isang tindera ang nakakita sa bangkay ni Ruel Hugar sa loob ng barracks sa Bagong Silangan High School.

Base sa paunang imbestigasyon, huling nakita ang biktima na nakikipag-inuman kasama ang mga katrabaho.

Pero kalaunan, hindi na nakita ang dalawa sa kaniyang kasamahan.

Itinuturing sila ngayong persons of interest. —JST, GMA News