Isang paslit ang kinagigiliwan online dahil sa video kung saan makikitang nakikipag-jamming siya gamit ang munting drum set na gawa ng kanyang ama.
Sa video, kitang-kita na game na game ang 4-anyos na si Hosea Moneda sa pagpalo sa kanyang mumunting drum habang sinasabayan ang isang babaeng naggigitara at kumakanta ng isang Christian song.
Ayon sa ina ng bata na si Ann Baldemor Moneda, 2-anyos pa lang ang bata ay kinakitaan na ito ng hilig sa pagda-drums. —KBK, GMA News