Apat ang patay at 23 naman ang sugatan nang bumangga sa concrete barrier ang isang pampasaherong jeep sa Baguio City.

Ayon sa ulat ni Maki Pulido sa Balita Pilipinas Ngayon sa GMA News TV nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang sasakyang minamaneho ni Leando Vergara.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Julia Labi, Elizabeth Panis, Rechilda Abaigar, at Adelina Agsaoay.

Dinala naman sa pagamutan ang 23 na nasugatan.

Walang pahayag ang nakulong na driver na nahaharap ngayon sa patong-patong na reklamo. — Margaret Claire Layug/MDM, GMA News