Isang estudyante ang inaresto matapos mahulihan ng 19 na mga sachet ng marijuana habang papasok sa Manila South Cemetery.

Kinilala ang suspek ng si Neil Aldave Mahaba. Dinala siya sa Sta. Ana Police Station.

Ayon sa ulat sa "24 Oras", nakita ang marijuana sa loob ng pouch ng payong.

Depensa ng suspek, ibinigay lamang sa kanya ang payong at walang planong magbenta ng marijuana sa loob ng sementeryo. —NB, GMA News