Dalawa ang patay sa pamamaril, isang lalaki ang isang babae, sa Taguig City, sa isang krimen na pinaniniwalaang may kinalaman sa iligal na droga.

Sa ulat ng "News TV Live" nitong Linggo, kinilala ang lalaki na si Vicente delas Alas. Hindi pa nakikilala ang babaeng biktima.

Ayon sa isang barangay official ng New Lower Bicutan, walong basyo ang bala ang narekober sa pinangarihan ang krimen.

Pahayag ng kapatid ni Delas Alas, posible umanong iligal na droga ang motibo sa krimen.

Dati umanong gumagamit ng droga ang kaniyang kapatid ngunit huminto na ito ang isang taon. Pero bumalik ito sa bisyo.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente. —LBG, GMA News