Inihayag ni Iris Lee ang kaniyang papuri sa kaniyang nobyo na si Xian Lim, ngayong napapanood na sa mga sinehan ang horror film nilang “Kuman Thong.”
Sa comments section sa isa sa mga post ni Xian, binati ni Iris ang cast at buong team ng pelikula, bago binati si Xian sa tagumpay nito.
“Congratulations again to us, the actors, and the whole team. Nailuwal nating lahat ang baby mo because of your infectious creative energy and childlike enthusiasm,” saad ni Iris.
“Ang saya lang gumawa ng pelikula with you, despite any struggle. You are a true leader and artist. Keep on shining Direk @xianlimm! To more magic together,” pagpapatuloy niya.
Bago nito, nagbigay din ng papuri si Xian kay Iris, na nagsilbing creative consultant ng pelikula.
“To this talented, overly passionate human being… Hardworking is an understatement when it comes to the effort you put in all your projects, may it be with me or all the great directors you have worked with,” mensahe ni Xian sa nobya.
“Our [film] would not be the way it is now if it weren't for you juggling the logistics in the ???????? and ???????? plus the creative side of Kumanthong,” pagpapatuloy niya.
“When all seemed impossible, you believed, pushed, carried everyone and went through great lengths and created magic. To more films with you @iris.lee.”
Si Xian naman ang nagsilbing director ng Kuman Thong.
Pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Althea Ruedas, Max Nattapol, Jariya Therakaosal, at Emman Esquivel, ang "Kuman Thong" ay tungkol sa inang may dalawang anak na nawalan ng isa dahil sa trahediya.
Hihingi siya ng tulong sa isang estatuwa ng Kuman Thong upang muling buhayin ang kaniyang anak mula sa kamatayan.
--FRJ, GMA Integrated News