May mahigit 21 milyong views na sa ngayon ang unang TikTok entry ni Lisa ng BLACKPINK. Ang Thai rapper at singer, may anunsyo ring comeback.

@lalalalisa_m

??????

? COMING SOON - LISA

Sa kaniyang account, na makikita rin sa Unang Balita nitong Biyernes, mapapanood sa kaniyang entry ang kaniyang pagiging fit and fab suot ang kaniyang simple pero stylish na OOTD.

Bukod sa mahigit 21 milyong views, mayroon na ito sa kasalukuyan na mahigit limang milyong reactions.

Sa kaniya namang Instagram stories, nagpahiwatig si Lisa ng kaniyang comeback. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News