Idinaan ni Dennis Trillo sa kanta ang pagkakaroon nila ni Jennylyn Mercado, at maging ang kanilang anak ng COVID-19.

Sa Instagram, nag-post sa Instagram si Dennis ng video kung saan umawit siya na may titulong, “Gamutin na natin to.”

“Oh ito na nga, tinamaan din ako,” panimula ni Dennis sa kanta habang naggigitara.

“Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako? Gamutin na natin ito,” patuloy ng aktor.

Sa huli ng awit, sinabi ni Dennis na nagpositibo rin sa COVID-19 ang misis niyang si Jennylyn, at ang anak nilang si Dylan.

“May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko. May COVID, kaming tatlo,” sabi ni Dennis.

 

 

Taong 2021 nang magpakasal sina Dennis at Jennylyn, at dumating naman sa buhay nila si Dylan noong May 2022.

Napapanood ngayon si Dennis sa "Love Before Sunrise," kasama si Bea Alonzo.

Habang mapapanood naman si Jennylyn sa upcoming series na "Love. Die. Repeat," katambal si Xian Lim. — FRJ, GMA Integrated News