Tumanggap ng mga parangal ang 29 na GMA Network program, limang GTV program, at ilang Kapuso personalities sa Anak TV Awards 2023.

Sa ulat ni JP Soriano sa "24 Oras,” sinabing dumalo sa seremonya sina Senior Vice President and Head, GMA Integrated News, Regional TV and Synergy Oliver Victor B. Amoroso at Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials Michelle Seva.

"This amplifies kasi our role, especially our GMA Integrated News, hindi lang sa local communities but sa bansa natin that we have to deliver responsibly the news," sabi ni Amoroso.

"Sa pagtutulungan ng lahat ng ating platforms mula sa TV news, Manila, Regional TV, radio, and digital news eh nagagawa natin ‘to lahat. So, again, maraming salamat sa Anak TV Awards for giving us this recognition,” pagpapatuloy niya.

Narito ang buong listahan ng mga nagwagi mula sa Kapuso Network sa iba’t ibang kategorya:

Anak TV Seal Awards Television Category

24 Oras
24 Oras Weekend
Balitanghali
GMA Regional TV News
GMA Regional TV Balitang Bicolandia
GMA Regional TV Early Edition
GMA Regional TV One Mindanao
Hala Bira The GMA Live Special Coverage
Balitang Southern Tagalog
Kadayawan 2022 The GMA Special Live Coverage
Mornings with GMA Regional TV One North Central Luzon
Pit Senyor! The GMA Regional TV Special Live Coverage Regional TV News
GMA Regional TV One Western Visayas
Limitless
Game On
AHA
Biyahe ni Drew
Born to be Wild
iJuander
Pinas Sarap
Pinoy MD
Unang Hirit
Daig Kayo ng Lola Ko
Farm to Table
Ibilib
Sarap Di Ba?
The Clash
TiktoClock
Maria Clara at Ibarra
Pinoy A+
All Out Sundays
Amazing Earth


Makabata Stars - Male Television Category

Alden Richards
Allen Ansay
Drew Arellano
Michael V.
Matteo Guidicelli
David Licauco


Makabata Stars - Female Television Category

Jillian Ward
Sofia Pablo
Barbie Forteza
Julie Anne San Jose
Bea Alonzo


Net Makabata Stars - Male Online Category

Ken Chan
Alden Richards
Richard Yap


Makabata Star Hall of Fame

Atom Araullo


Samantala, nagbigay din ng espesyal na pagpupugay ang Anak TV sa yumaong “24 Oras” anchor at veteran journalist na si Mike Enriquez, at pinangalanan siyang kauna-unahang Anak TV Hall of Famer.

Ang Anak TV ay isang organisasyon na nagsusulong ng media and television literacy, at sinusuportahan ang adhikaing “child-sensitive, family-friendly” na telebisyon sa Pilipinas.

Kasama sa mga miyembro nito ang GMA Network, ABS-CBN, TV5 at iba pang major television network ng bansa, na sumusuporta sa kanilang mga adbokasiya.

Ang Anak TV Seal ay iginagawad taon-taon sa mga huwarang television programs na tumutugon sa pangangailangan ng mga bata at kabataan.

Inilunsad bilang ambassadors ng Anak TV ang Kapuso artists na sina Sofia Pablo and Allen Ansay nitong Agosto. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News