Nadiskubre sa isang pag-aaral na may isang uri ng mga langgam ang kayang operahan ang kasamahan nilang langgam na sugatan para isalba ang kaniyang buhay.
Sa programang "Dapat Alam Mo," sinabing territorial ang mga langgam o matindi ang pagbabantay at pagprotekta sa kanilang teritoryo.
Kaya naman nagiging marahas at matindi ang engkuwentro kapag may ibang pumasok sa kanilang teritoryo.
Sa isang pag-aaral sa abroad, natuklasan na ang Florida carpenter ants ang uri ng langgam na nakahanap ng solusyon para magamot ang sugatan nilang kasamahan.
Pinuputol nila ang parte ng katawan ng kanilang kasamahan na matinding napinsala sa pamamagitan ng pagkagat at saka nila lilinisin.
Ang bawat pagputol sa bahagi ng katawan ng mga "surgeon" na langgam ay tumatagal umano ng nasa 40 minuto.
Ayon sa host ng programa na si Kuya Kim Atienza, kaya ng langgam na mag-regenerate o kayang tumubo muli ang naputol na bahagi ng katawan.
Ang mga Florida carpenter ants ay native sa southern United States.--FRJ, GMA Integrated News