Pinatay sa araw mismo ng Pasko ang isang lalaki matapos na barilin sa ulo habang nasa kalsada sa San Pablo City, Laguna.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na galing sa inuman sa Barangay Concepcio ang 53-anyos na biktima.
Pauwi na umano ito nang bigla siyang barilin sa ulo ng salarin na dahilan ng agad niyang kamatayan.
Nakatakas naman ang salarin na inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa isinasagawang imbestigasyon.-- FRJ, GMA Integrated News