Pumanaw sa edad na 16 ang American actor na si Hudson Joseph Meek, na bumida sa pelikulang "Baby Driver."
Ayon sa Jefferson County Coroner's Office via U.S. media outlets na WVTM 13, CBS 42, at AL.com, nasawi si Meek dahil sa mga tinamong pinsala nang mahulog mula sa isang umaandar na sasakyan sa Vestavia Hills, Alabama.
Pumanaw siya sa UAB Hospital noong December 21.
Naglabas din ng pahayag sa kaniyang Instagram account nitong weekend kaugnay sa malungkot na pangyayari.
"Our hearts are broken to share that Hudson Meek went home to be with Jesus tonight. His 16 years on this earth were far too short, but he accomplished so much and significantly impacted everyone he met," nakasaad sa post.
Humingi ito ng panalangin para na rin sa mga naulila ng aktor upang malampasan ang pagsubok sa kanilang buhay kaugnay sa pagkawala ni Meek.
Inaalala naman ng agency ni Meek na J Pervis Talent Agency, ang mga nagawa niya. Inilarawan si Meek na, "an extraordinary young talent, whose dedication, passion, and promise shone brightly within our industry."
"Hudson was more than just a talent, he was a source of inspiration and touched so many lives with his enthusiasm, kindness, smile and innate ability to light up a room and never meet a stranger. He will be remembered with great affection by us all," patuloy ng agency.
Nakasaad sa obituary ng Searcy Funeral Home and Crematory na sisimulang ang pagbubugay kay Meek sa December 28 sa Dawson Memorial Baptist Church sa Homewood, Alabama.
Gumanap si Meek bilang batang Miles "Baby" ni Ansel Elgort, na "Baby Driver" noong 2017.
Ilang pa sa pelikulang ginawa niya base sa IMDb ay "The Santa Con," "Genius," "The School Duel," at iba pa. — FRJ, GMA Integrated News