Nagtagisan ng literal na lakas at bilis ang siyam na mister sa isang kakaibang karera sa Guinobatan, Albay. Kailangan kasi nilang mag-unahan sa finish line habang buhat ang kani-kanilang misis.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, makikita na kaniya-kaniyang diskarte ang mga mister kung papaano bubuhatin ang kani-kanilang mga misis.

Mayroong mister na binuhat na tila sako ng bigas ang kaniyang asawa.

Ang nanalo sa naturang karera, nag-uwi ng cash prize at bigas.

Ang naturang karera ay bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan sa barangay.--FRJ, GMA Integrated News