Unang nag-viral ang post ni Veronica Balayo sa TikTok kaugnay sa kakaiba niyang karanasan nang pumasyal siya sa National Museum noong nakaraang linggo.
Sa mga larawan na ipinost ni Balayo, katabi siya ng lumang larawan ni Belen Ocampo, at napansin ng mga netizen ang pagkakahawig ng dalawa.
"Visited National Museum and found this photo of a girl, and it kinda looks like…Me, now and then?.” saad ni Balayo sa post
“Am I her reincarnation?” patuloy niya.
Umani ng higit 600,000 likes at mahigit limang milyong views sa TikTok ang naturang post na nakatawag din ng pansin ni Ambeth Ocampo.
"So you are my reincarnated mother? Winner!!!” sabi ng historian.
Ibinahagi ni Ocampo sa Facebook ang ilang screenshot mula sa viral TikTok post ni Balayo.
“Trending on Tiktok video this morning was the post of Veronica Balayo, a recent visitor to the National Museum who resembles a photo-oleo of my mother from the 1950s! The video has earned over 400,000 likes," caption niya sa post.
Sa kaniyang online interview sa GMA News Online, inamin ni Balayo na hindi talaga niya kilala noong una ang kamukha niyang babae sa larawan.
“I thought why does it look like me?” sabi niya sa GMA News Online. “My initial reaction was why does it look like me? After that I can’t stop looking at our photo.”
"Is this my second life?” sabi ni Balayo, na isang tanong na naglalaro sa kaniyang isipan.
Ang foto-óleo ay isang sikat na art form noong gitnang 19 hanggang gitnang 20 na siglo, bago pa naimbento ang colored photography. -- FRJ, GMA Integrated News