May kuwelang paandar ang groom na ikinagulat ng kaniyang bride sa ginanap na kasal nila sa Marikina.

Sa ulat ng GTV "Balita Ko" nitong Biyernes, makikita na sandaling iniwan ng groom ang kaniyang bride nang gagawin na ang "banal na halik."

BASAHIN: Pari, may nakatutuwang reaksyon nang pumasok ang groom sa belo ng bride

Lumapit ang groom na si Karl sa kaniyang groomsmen at sinipilyo siya na may kasama pang gargle at kendi.

Pagkatapos nito ay bumalik na siya sa kaniyang bride.

Sinabi ng bride na si Angela nagulat siya pati na ang ibang bisita sa pakulo ng kaniyang mister.

Bukod sa paandar na toothbrush, may surprise dance number din si groom sa reception party.-- FRJ, GMA Integrated News