Dalawang bagong uri ng hedgehog na may balahibo sa halip na tinik ang nadiskubre sa Mindanao.

Sa segment ni Kuya Kim Atienza sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, sinabing na ang nadiskubreng podogymnura intermedia ay tanging matatagpuan lang sa Mt. Hamiguitan sa Davao Oriental at Mt. Kampalili sa Davao de Oro.

Samantala, ang podogymnura minima, naman ay nadiskubre sa Mt. Kitanglad sa lalawigan ng Bukidnon.

“They are hedgehogs, but they don’t have spines. They have soft fur and they’re 10 to 12 centimeters [nasa apat na pulgada] long when they’re stretched out, kinda short tail,” ayon kay Dr. Lawrence Heaney.

"They're not rodents. They're very distantly related to rodents," dagdag nito.

Ayon kay Kuya Kim, karaniwan sa mga hedgehog ang may mga tinik o quills na proteksyon nila laban sa mga nais umatake sa kanila.—FRJ, GMA Integrated News