Hindi kotse at hindi rin jetski ang "jetcar" na kayang humarurot na mala-sports car sa tubig. Mayroong ding "jet fighter" na hataw sa bilis pero hindi sa himpapawid kundi sa tubig din. Paano nga ba ito binuo ng isang Pinoy?
Sa kuwentong "AHA!" ikinuwento ni Roel Cruz, mula sa Bulacan, na apat na buwan niyang binuo ang Jetcar, na gawa sa Japan fiberglass.
Ang makina nito ay may 50 horsepower, kaya kayang tumakbo ng jetcar sa bilis na 40 knots o 74 kilometro kada oras.
Mas mabilis pa ito sa speed limit sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Nakuha ni Joel ang ideya ng jetcar nang minsan siyang magtungo sa Amerika at makakita ng tulad nito roon.
Kayang magsakay ng Jetcar ng hanggang tatlong tao.
Gumastos si Roel ng P250,000 para sa pagbuo ng Jetcar.
Bukod dito, meron ding bagong imbensyon si Roel na "jet fighter," na idinisenyo mula sa isang F15 Jet Fighter ng Amerika.
Gawa rin sa fiberglass, meron itong 50 HP na kayang tumakbo ng 90 kph sakay ang anim na katao. --FRJ, GMA Integrated News