Sa halip na mga aktuwal na aktor, mga hologram patient na ang ginagamit para sanayin ang mga doktor sa Cambridge University sa United Kingdom.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing hindi na kumukuha ng aktor na nagpapanggap na maysakit ang unibersidad dahil sa makabagong teknolohiya.
Real time at makatotohanan ang naibibigay na diagnosis ng trainee doctors sa mga pasyente, gamit ang mixed reality training application na HoloScenarios.
May kaugnayan sa mga sakit sa baga ang unang module ng hologram patient.
Kasalukuyang pinag-iigi ang modules para sa cardiology at neurology. —Jamil Santos/VBL, GMA News