Pagkalipas ng dalawang taon, "nakalaya" na ang isang elk sa kaniyang kalbaryong dulot ng gulong ng sasakyan na nasa kaniyang leeg sa Colorado, USA.
Ang elk o wapiti ay isang uri ng malaking usa.
Sa ulat ng Reuters, sinabi ng wildlife officials sa Colorado na matagumpay nilang naalis ang gulong noong October 9.
Taong 2019 nang una umanong mamataan ang elk na may gulong sa leeg.
Wildlife officials freed an elk from a tire that had been around its neck for at least two years pic.twitter.com/g5hLerfRz4
— Reuters (@Reuters) October 13, 2021
Hanggang sa muli itong makita ng mga tao at ipinaalam sa Colorado Parks & Wildlife.
Nang hanapin, nakita ng mga opisyal na gumagala ang elk na may gulong sa leeg habang kasama ang nasa 40 pang elk.
Gumamit ng tranquilizer o pampatulog ang wildlife rescue team upang ligtas na maialis ang gulong sa leeg ng hayop.
—FRJ, GMA News