Mistulang ipinamalas ng ilang mga alagang aso ang kanilang natatanging tinig at nakipagsabayan sa kanilang mga furparents pagdating sa biritan.
Sa ulat ni Mav Gonzales sa 24 Oras Weekend ng GMA News nitong Sabado, ibinida ni fur mom Aika Imperial ang kanyang aso na si Warlock na mistulang nakipagsabayan sa kanya sa pag-awit.
Biro ni Aika, lagi na niyang hindi masolo ang mga kanta dahil sa alagang aso.
Nag-duet naman ang mga alagang aso na sina Rainbow at Twinkle sa pagkikipagkantahan sa kanilang fur dad. Minsan naman, sila na ang tumatapos ng kanta.
Ang aso naman si Nola ay mistulang ginagaya ang dumadaang magtataho.
Gayunpaman, binibiro ito ng kanyang fur mom na si Camille Victoria. —Richa Noriega/KG, GMA News