Halos naubos na ang kasangkapan sa bahay ng isang babae sa Damascus, Syria para mapakain ang 120 pusa at 20 aso na kinupkop at pinatira niya sa kaniyang bahay.

Sa ulat ng Reuters, ipinakita ni Alaa Abu Draa, ang kaniyang bahay at ang mga alaga niyang hayop na dating pagala-gala sa kalsada.

"There was a mattress here, I sold it. There was a computer there and a sofa here. I sold everything. Nothing is left. You can see, I have no furniture,” saad ni Abu Draa.

 

 

Ngayon, umaasa lang siya sa mga donasyon para maipagpatuloy ang pangangalaga sa mga hayop na ayaw niyang bumalik sa lansangan.

"This used to be way easier for me because my father, may he rest in peace, used to support me," kuwento niya.

"But he died a year and four months ago and after this, it has become very difficult. So I had to sell my things because I can't give up on them, I can't take them back to the street," sabi ni Abu Draa. --Reuters/FRJ, GMA News