Isang amethyst na variety ng quartz ang natagpuan sa isang bundok na nasa ilalim ng puno ng balete sa Barbaza, Antique.
Sa ulat ng GMA Regional TV "One Western Visayas," sinabi ni Garry Pagsuguiron, na ang pambirang bato ay natagpuan kaniyang asawa.
Pinagtulungan daw nila itong makuha dahil nakadikit sa malaking bato.
Ayon kay Engr. Jonathan De Gracia, gemstone expert, magandang balita ang pagkakatuklas at maaari umano na marami pang gemstone ang nasa lugar.
Sinabi naman ng gemstone collector na si Star Santos, na mataas ang kalidad ng nadiskubreng amethyst na nakikita rin umano sa mga kabundukan ng Brazil, Siberia, Sri Lanka, Uruguay at Far East.--FRJ, GMA News