Isang wild sheep na pinangalanang "Baarack" na nagmistulang "tupang-grasa" dahil sa kapal at tumigas na balahibo ang sinagip at binigyan ng "makeover" sa Australia.
Sa ulat ng Reuters, nakita si Baarack sa Edgar's Mission Farm Sanctuary malapit sa Lancefield, Victoria.
"It would appear Baarack was once an owned sheep," ayon kay Kyle Behrend. "He had at one time been ear-tagged, however these appear to have been torn out by the thick matted fleece around his face."
Dapat umanong gupitan ang mga tupa bawat taon para hindi magkapatong-patong ang balahibo nila. Kapag nangyari ito, kakapal ang kanilang balahibo at titigas gaya ng nangyari kay Baarack.
Nang i-makeover si Baarack at magupitan, umabot sa 35.4 kilos ang bigat ng balahibong natanggal sa kaniya.
"Whilst his hooves were in great condition from running over the rocks in the forest, he was in a bit of a bad way. He was underweight, and due to all of the wool around his face he could barely see," ani Behrend.
Nasa pangangalaga na ngayon si Baarack sa Edgar's Mission, kasama ng iba pang nasagip na tupa.--Reuters/FRJ, GMA News