Cute at talaga namang kinagigiliwan lalo kapag sila ay naglalaro sa mga zoo, gustong-gustong makita at mahawakan ng maraming tao ang mga Panda. Gayunman, sinasabing iisang bansa lamang ang nagmamay-ari ng lahat ng Panda sa mundo at kanila itong pinaparentahan sa ibang bansa.

"China pala ang may-ari ng lahat ng panda sa buong mundo, even the ones in the zoos," paliwanag ni Mars Iya Villania sa segment na Talaga Ba Mars? sa programang "Mars Pa More."

Hindi rin aniya biro ang halaga para marentahan ang mga Panda sa Chinese government.

"Puwede mo silang rentahan ng $1 million a year," paliwanag ni Iya.

Ayon naman sa ulat ng businessinsider.com, karamihan ng mga zoo ay pumipirma ng 10-taon na "panda diplomacy" na mga kontrata, at kapag may isinilang na baby panda, kailangan nilang magbayad sa China ng karagdagang $400,000 baby tax.

https://www.businessinsider.com/panda-most-overrated-animal-ever-2018-5

Samantala, ibinahagi naman ni Mars Camille Pratts na tatlong porsyento ng antarctic glaziers ay binubuo ng ihi ng mga penguin.

Alamin ang iba pang trivia sa "Talaga Ba Mars?"

--Jamil Santos/FRJ, GMA News