Hindi inakala ng isang batang walong-taong-gulang sa Davao City na umabot sa P100,000 ang gastos niya sa mobile games gamit ang credit card ng kaniyang magulang sa loob lang ng dalawang araw.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Julmar, ina ng bata, ang kaniyang labis na pagkagulat nang makita ang kaniyang bayarin nang suriin ang bank statements ng kaniyang finance team.
Hindi itinago ni Julmar na nagalit siya sa pangyayari nang makausap ng GMA News Online nitong Huwebes.
Aniya, ibinigay nila sa kaniyang anak ang cellphone ng kaniyang mister noong Pasko na naka-link pa sa card ang Google Play app.
“They were only allowed 2 hours daily (max) of tech time and the allowed apps they can use were Super Book, Messenger for Kids and War Robots,” saad ng ina.
“Later, I found out that I think the purchases were still in the War Robots but there were also other games I think he downloaded that were suggested or promoted within the War Robots,” patuloy niya.
Mahilig daw talaga ang anak niya sa mobile games at pangarap nitong maging robotics teacher sa hinaharap.
“He explained that he needed to have gems to upgrade his robots and new hangers for his robots. He thought those options were all free so he went for it,” paliwanag ni Julmar.
Napalo daw niya ang anak dahil sa pag-download ng maraming laro nang hindi nagpapaalam sa kanila.
“He was very sorry. We explained that they are worth more than all the money in the world but following rules is also a good life skill to abide,” kuwento niya.
“[Does] finding out that the purchase is P100k [change] our feelings for our kids? Nope. Again, we know how our kids and our parenting more than anyone else. This is a complete mistake (dahil inakala ng bata na libre ang downloads). We trust them and they are responding to discipline with the fear of God in their hearts,” patuloy niya.
Para sa kanila, tapos na ang naturang pangyayari na naging aral sa kanila. Pero nasorpresa raw sila dahil naging interesado rin ang iba sa kanilang naging karanasan.
Upang maiwasan nang maulit ang ginawa ng anak, nagdagdag daw sila ng parental control at password sa mga babayaran gamit ang card. Nag-file din sila ng refund pero hindi pa raw ito lumalabas sa kanilang account habang ginagawa ang pitak na ito. – FRJ, GMA News