Isang elepante na hinihinalang hinabol ng grupo ng mga aso ang nahulog sa malalim na balon sa Tamil Nadu, India. Sa laki ang bigat ng elepante, masagip pa kaya siya?
Ayon sa ulat ng Agence France Presse, may lalim na 70 talampakan ang balon na binagsakan ng isang wild elephant.
Posible umanong naghahanap ng pagkain ang elepante at hinabol ng mga aso kaya napunta at nahulog sa balon.
Para masagip ang elepante, pinatulog siya gamit ang tranquilliser darts at tinalian bago iniangat sa tulong naman ng crane.
Ang buong proseso sa pagsagip sa elepante, tumagal ng 16 na oras.
Madidinig sa video ang palakpakan ng mga tao nang maialis sa balon ang hayop.--AFP/FRJ, GMA News