Mistulang malaking "battery pack" ang baterya ng motorsiklo ng ilang estudyante sa Lake Sebu, South Cotabato dahil ito ang gamit nilang pang-charge sa cellphone na ginagamit sa online class.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabi ni Jemar Balsomo, na madalas mawalan ng kuryente sa kanilang lugar lalo na kapag umuulan.
Kaya sa baterya ng motorsiklo na lang sila umaasa para mai-charge cellphone upang makadalo ang mga estudyante sa kanilang online class.
Pero salitan daw ang pagcha-charge na ginagawa para makagamit ang lahat.
Samantala, ginagawa namang phone stand o holder ng cellphone ang mga nakokolektang plastic bottle na nagagamit ng mga estudyante sa Moncada, Tarlac.
Ang mga plastic bottle, kinolekta ng mga kabataan sa lugar at pinapalitan ng earphone na magagamit din sa kanilang pag-aaral. --FRJ, GMA News