Isang lalaki na lumikas sa kanilang tahanan sa Syria dahil sa kaguluhan ang nakagagawa ng enerhiya o kuryente sa pamamagitan ng pinaghalong lupa, tubig at suka.
Sa ulat ng Agence France Press, sinabing naninirahan ngayon ang 50-anyos na si Mohsen al-Amin, kasama ang kaniyang pamilya sa isang refugee camp malapit sa Syrian-Turkish border.
VIDEO: ???????? Mohsen al-Amin, a 50-year-old displaced Syrian from Qalaat al-Madiq living in a camp near Kafr Lusin in northwest #Syria, uses traditional methods of mixing soil, water and vinegar to generate #electricity pic.twitter.com/vvKjzRY3mG
— AFP news agency (@AFP) October 2, 2020
Ang paghahalo ng lupa, tubig at suka ay sinasabing tradisyonal na paraan upang makalikha ng enerhiya o kuryente.
Sa video, makikita si Al-Amin na sinasala muna ang kinukuhang lupa, at pagkatapos ay ilalagay niya sa bote, at hahaluan na ng tubig at suka.
"When we moved here, we found out that there are no job opportunities and income is very low, and electricity is not available except for a few selected houses. So we came here and started thinking about using our ways, in order to deal with the electricity issue," ayon kay Al-Amin.
Itinuturo din niya sa kaniyang anak ang naturang paraan ng paglikha ng kuryente kung saan ikinakabit sa electric cables ang bagay na kailangan ng enerhiya.
"My biggest dream is for specialists and engineers and relevent authorities in this field to adopt this method in order to prove its use," saad niya. --AFP/FRJ, GMA News