Sinuspinde ang isang mambabatas sa Argentina matapos niyang halikan sa dibdib ng kaniyang life partner habang dumadalo sa sesyon ng kapulungan na naka-videoconference. Ang iskandalo, kaagad na kumalat sa social media.
Ang istorya ayon sa ulat ng Agence France-Presse, makikita umano ang mga mambabatas--kabilang ang naging kontrobersiyal na si Juan Emilio Ameri-- sa isang malaking video screen na inilagay sa kapulungan.
Habang magsasalita ang isang mambabatas, makikita sa screen si Ameri na nakikipaglambingan sa isang babae na nakaupo sa tabi niya.
Maya-maya pa, inalisan ni Ameri, kinatawan ng lalawigan ng Salta, ang damit ng babae at sinimulang halikan ang dibdib nito.
Dahil dito, sandaling itinigil ni Speaker Sergio Massa ang sesyon, at kinalaunan ay ipinagpatuloy din.
"The whole time we have been teleworking these past months we have had several incidents where deputies fell asleep or another hid, but today we had a situation that really overstepped the boundaries of this house," sabi ni Massa.
Ikinagulat naman ni Ameri, 47-anyos, ang nangyari at humingi ng paumanhin.
Inakala raw niyang hindi naka-connect ang kaniyang internet nang mga sandaling iyon.
"Here in the center of the country the connection is very poor. My partner came out of the bathroom, and I asked her how her implants were doing and I kissed them, because she had surgery ten days ago to have them put in," paliwanag niya.
Dahil sa kaniyang nagawa, limang araw siyang sinunpinde ng liderato ng kapulungan.—AFP/FRJ, GMA News