Marami ang napaiyak nitong nakaraang linggo nang makita umano ng mga tao, kabilang ang isang pulis, ang pagluha ng dugo ng Virgin Mary ng Lindogon sa Cebu. Isa nga kaya itong himala?
Nangyari ang hindi pangkaraniwang insidente sa araw ng pagdiriwang ng kaarawan ng Birheng Maria. Ang Virgin Mary ng Lindogon, makikita sa Monastery of Holy Eucharist o Sanctuary Castle of Mama Mary.
Imposible raw na may maglagay ng likido sa mata ng imahen dahil nasa loob ito ng babasaging estante. Napag-alaman din na hindi ito ang unang pagkakataon na nakitang tila lumuha ng dugo ang Virgin Mary ng Lindogon.
Nangyari daw ito noong 2012 at 2014.
Pero bukod sa pagluha ng dugo, maraming testimonya na nagpapatunay tungkol sa mga taong nakatanggap ng himala mula sa Virgin Mary ng Lindogon.
Tunghayan ang buong kuwento sa videong ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News