Matapos ang eviction nina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition," may bagong housemates sa bahay ni "Kuya" na sina Vince Maristela at Emilio Daez, na kapatid ni Mikael.
Tinawag na charming bro next door ng Cainta ang Sparkle artist na si Vince, habang Mr. Bankable Achiever ng Pasig naman ang Star Magic artist na si Emilio.
BASAHIN: Ashley Ortega, itinuturing 'life changing' ang karanasan sa Bahay ni Kuya
“Siguro ako, honest ako. Sobrang honest ako. Hindi ko kayang magsinungaling,” sabi ni Vince nang tanungin kung ano ang maipapakita niya sa bahay ni Kuya.
“Siguro, masaya. Sana magustuhan ako ng mga housemates kasi masayahin ako,” saad naman ni Emilio.
Ipinakilala ang dalawa bilang bagong mga housemate ng PBB hosts na si Gabbi Garcia at Bianca Gonzalez sa episode nitong Linggo.
Magiging house guest naman sa PBB si Michele Marquez.
Napanood si Vince sa “My Ilonggo Girl” na pinagbidahan nina Jillian Ward at Michael Sager.
Mapapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa ganap na 10 p.m. sa weekdays, at 6:15 p.m. naman sa weekends. —FRJ, GMA Integrated News