Tatlong kabataang imbentor sa Vietnam--kabilang ang isang 14-anyos lang--ang nakagawa ng special helmet na makatutulong sa mga frontline health workers na maibsan ang kanilang hirap sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Sa ulat ng Reuters, ipinakita ang helmet na magiging bahagi ng PPE ng health workers upang maging ligtas sila sa virus.
Hindi gaya ng ibang pangsuklob sa ulo na bahagi ng PPE, sa helmet na naibemto ng mga tatlong estudyanteng Vietnamese, puwedeng magkamot ng ulo at ilong, magpunas ng pawis at mag-snack ang health workers nang hindi nila kailangang alisin ang takip sa kanilang mukha.
Three Vietnamese school students have designed a helmet connected to a respirator that not only protects but allows frontline workers to remain productive for longer https://t.co/laVOnO026V pic.twitter.com/VYKJtdO0tz
— Reuters (@Reuters) September 10, 2020
Tinawag ang helmet na “Vihelm,” na mayroong built-in glove para mapunasan ng health worker ang kaniyang pawis sa mukha kung kailangan.
“A big difference with this helmet is the glove box... You can use it to interact with your face safely,” sabi ng isa sa mga estudyante na si Tran Nguyen Khanh An, 14-anyos lang.
May lalagyan din ito ng pagkain at inumin, air-purifying respirator para sa dagdag na proteksiyon ng magsusuot na health workers.
Kinilala na umano ng isang Canadian award-giving body ang naimbento ng tatlong Vietnamese, at ang final version ng Vihelm ay kaagad na isasailalim sa maramihang paggawa.
Sa kasalukuyang, tinatayang $300 ang halaga ng Vihelm helmet.-- Reuters/FRJ, GMA News