Sa unang pagkakataon makalipas ang halos 50 taon, muling nakita sa Horn of Africa ang isang Somali Sengi, ang bulilit na tila bubuwit na kabilang sa uri ng elephant-shrew na inakalang halos naglaho na sa mundo.

Sa ulat ng Agence France Presse, sinabing nakasaad sa artikulo ng rfi.fr na, "for half a century scientists feared that the Somali elephant shrew had vanished from the face of the earth. No one had seen so much as a whisker."

 

 

Ang naturang hayop ay tila bubuwit o maliit na daga na may mahabang nguso na parang sa elepante.

Ayon sa mga nagsasaliksik, ang maliit na hayop ay tahimik na namumuhay sa "arid, rocky landscape of the Horn of Africa."

"The elusive, insect-eating creature is neither an elephant nor a shrew," dagdag nito.

Ang Somali sengi ay nawala umano sa paningin ng mga tao mula noong 1970s, at tanging 39 preserved specimens nito ang makikita sa natural history museums bilang patunay na namuhay sila sa mundo. --AFP/FRJ, GMA News