Naging malaking palaisipan sa ilang residente at maging sa mga awtoridad sa Eastern Samar ang nakita sa karagatan na dalawang bahagi ng tila sa eroplano. At sa pag-aanalisa ng ilang eksperto, may hinihinala sila kung saan ito nagmula.
Ang dalawang malaking bahagi na pinaniniwalaang sa eroplano ay nakita sa magkahiwalay na lugar ng Anuron at Mercedes sa Eastern Samar.
Sabi ng ilang mangingisda, may ilang piraso raw ng bahagi ng tila sa eroplano rin ang nakita sa laot pero hindi na nakuha pa dahil mabigat.
Dahil may bahagi nito ang tila nasunog o nasira, inaakala ng mga residente na posibleng sumabog ang pinaniniwalaan nilang eroplano, o kaya naman ay sadyang tinira ng rocket missile.
Pero nang magsagawa ng pagsusuri ang ilang dalubhasa, may hinala sila kung saan naggaling ang naturang bahagi at ano talaga ito bago nagkapira-piraso. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News