Tatlong pambihirang aquatic creature na tinatawag na baby dragon ang makikita sa Postojna Cave para maging tourist attraction sa Slovenia. Ang mga ito, kayang mabuhay ng walong taon kahit hindi kumain at may lifespan na hanggang 100 taon.

Ang naturang mga aquatic creature na naninirahan sa kuweba ay opisyal na tinawag na proteus o olms ay nakalagay sa aquarium, ayon sa ulat ng Reuters.

Mahaba ang katawan nito, pale pink ang balat, hindi nakakikita at apat ang paa.

Nakatira umano ang mga ito sa tubig sa madidilim na mga kuweba sa southern European Karst region.

 

 

May paniniwala ang mga tao noon na anak ng mga dragon na nagtatago sa kuweba ang kakaibang mga nilalang na ito na nagmula sa tubig.

Ang Postojna Cave, ang pinakamalaking kuweba sa Europe na bukas para sa mga turista.

“We were excited when the eggs were being laid and then had thousands of doubts: how will they survive, what will we feed them with, how will we protect them from infection?” sabi ni Marjan Batagelj, managing director ng pasyalan.

“Science said they had a 0.5% chance of survival ... but we managed to bring up 21 of them,” patungkol ni Batageli sa 64 na itlog ng baby drogan na napisa noong 2016.

May habang 14 centimetres (5 inches) ang mga baby dragon at maaari itong lumaki nang hanggang 30 centimetres (12 inches). Ang mga ito ay maaaring mabuhay ng walong taon kahit hindi kumakain at may lifespan na hanggang 100 taon.--Reuters/FRJ, GMA News