"Tinitingala" ngayon ang isang bulaklak na umabot sa walong talampakan at pitong pulgada ang taas na nakita sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing nagmistulang puno na ang isang Amorphophallus Rostratus o kung tawagin ay Biga dahil sa taas nito.
Tinuturing ang Amorphophallus Rostratus bilang isa sa world's tallest flowers.
Napansin daw ng mga nagbabantay sa Masungi Georeserve ang kakaibang amoy nang mamukadkad na ang bulaklak.
Ayon pa sa kanila, hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ang ganitong uri ng bulaklak sa kanilang lugar.--Jamil Santos/FRJ, GMA news