Mga taklobo o giant clams na nagkakahalaga ng halos dalawampu't walong milyong piso ang nakumpiska sa isang tahanan sa Escalante City sa Negros Occidental.

Isang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa mga taklobong iniwan sa kanilang bahay.

Mula raw ito sa isang Nexon Aurelio.

Nasa pitong tonelada ang kabuuang timbang ng giant clams. Nasa BFAR na ang mga taklobo.

Itinuturing na endangered species ang mga taklobo. —JST, GMA News