Ang mga taong tagapagbantay ng karagatan, binantayan naman ng dambuhalang pating.

Ganito ang nangyari sa dalawang pulis na nagpapatrolya sa Tapley Shoal sa South Australia na sinundan ng isang great white shark na mas malaki pa sa sinasakyang nilang bangka.

Sa video post sa Facebook ng South Australian Police News, sinabing nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya ang mga pulis sa mga recreational boat sa lugar nang sumulpot ang pating, na tinatawag sa lugar na si "Noah."

"Police were concentrating on recreational boats and checking registration, licences and safety equipment along with alcohol and drug testing operators when they were paid a visit by one of the locals," saad sa caption ng video.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusyoso ng pating sa mga pulis na umalis din kinalaunan. -- FRJ, GMA News