Kung may pera sa basura, may pera na rin sa dumi ng hayop— partikular ang baka.
Sa ulat ng Reuters, sinabing isang product designer na nagtapos sa Birmingham City University ang nakagawa ng kasangkapan sa bahay tulad ng upuan at paso mula sa dumi ng baka.
“I really wanted to focus on sustainability and using organic material and basically making something organic look really nice and having something that’s really good for the environment,” sabi ni Sane Mafa.
Ang mga nilinis na dumi ng baka, nilalagyan ng resina para ihulma tulad ng mga paso at upuan. Hindi rin nila itinatago ang pinagmulan nito.
“I didn’t want to hide the fact that it’s manure. I wanted it to be known so they’re like, ‘Oh wow this is manure, you can do this?’ So yeah I didn’t want to hide that fact,” sabi Mafa.
Hindi raw alam ni Mafa ang lahat ng impormasyon nang gawin niya ang proyekto. Pero kinalaunan ay natuklasan niya na ginagamit na noon pa man sa Africa ang dumi ng hayop bilang materyales tulad sa paggawa ng bahay.
"I also found out obviously it’s used as energy. Excess manure is used at a bioplant where they can make methane and make energy from that and then I was like, well it can do all this so what else can it do? And there’s plenty of it so why not use it,” sabi niya.
Sinabi pa ni Mafa na panahon na para tingnan ang pakinabang sa dumi ng mga hayop sa halip na simpleng basura lang. — Reuters/FRJ, GMA News