Nasubok ang husay ng mga "undertaker" sa pagbibihis sa bangkay sa ginanap na pinakamalaking funeral expo sa Japan noong nakaraang linggo.
(Larawan mula sa Reuters TV)
Mula sa mga lumahok, tatlo ang naglaban sa finals kung saan nagwagi ang 23-anyos na si Rino Terai, ayon sa ulat ng Reuters.
Maliban sa husay na pagbibihis sa bangkay, nagpakita rin ng mga kalahaok ang husay nila sa pagsasagawa ng ritwal para sa pumanaw.
“I practiced every day to prepare for this competition,” sabi ni Terai. "I took videos and made improvements by asking myself, does this look beautiful? Am I treating the deceased kindly?”
Dahil sa tumataas ang populasyon ng mga nakatatanda sa Japan, lumalakas din ang pangangailangan sa mga mahuhusay na nag-aasikaso sa mga bangkay.
“There are about 2,000 undertakers whose expertise is in dressing the deceased, but their skills vary a lot,” ayon kay Kimura Kouki, pinuno ng Okuribito Academy.
“I wanted this competition to be a way to spur undertakers to improve their skills,” dagdag niya. -- FRJ, GMA News