Kinumpirma ni Kylie Padilla na mayroon siyang bagong karelasyon na isang lalaki na hindi taga-showbiz na kaniya ring "ipinaglaban."

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" ngayong Martes, kinumpirma rin ng aktres na ang lalaki ang nasa kaniyang "through his lens" post kamakailan sa social media.

"The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work life to my personal life. In my work life, artista ako. It's a different world, very different world," sabi ni Kylie na hindi tinukoy ang pangalan ng kaniyang nobyo.

"And when I'm with my partner, I'm normal again, I'm just Kylie. I'm the Kylie that grew up in Australia, I'm the Kylie na nanay lang ako, and, you know, I do normal nanay things," dagdag niya.

Masaya raw si Kylie na may boundery na ang dalawa niyang mundo-- ang trabaho at personal na buhay.

"There's no trying to keep up a certain image with a partner," saad niya.

Inihayag din ni Kylie ang kaniyang natutunan sa buhay at pagdating sa relasyon na dapat ipaglaban.

"Ba't lahat nalang? Ba't pinapahirapan ako?" natatawa niyang sabi. "I think of everything in life, may ituturo siya sa 'yo. There's a way for you to grow in everything na nangyayari sa 'yo and you just keep going until you die, right? So meron din akong lesson dito sa relationship ko ngayon, and it taught me to just trust myself more talaga and not be too scared to be myself."

Dahil sa kaniyang kasalukuyang relasyon, sinabi ng aktres na natutunan din niyang mas makilala at magtiwa sa sarili.

"Na-reveal sa 'kin 'yung mga ugali ko and 'yung mga ayokong tanggapin kasi, you know, everyone has ego. And in some way, mas hinarap ko siya ngayon this time 'yung mga imperfections ko kasi nagko-connect siya sa pagiging nanay ko, me as a person. And this relationship really—tinuruan ako din," pahayag pa ng aktres.

Sa simula ng taon, napansin ang tungkol sa mystery man na kasama niya.

"'Yung nagpapasaya sa puso ko. 'Yun 'yon," sabi ni Kylie.

Taong 2021 nang maghiwalay sina Kylie at dati niyang mister na si Aljur Abrenica.  Kinalaunan, inamin ng aktor ang ginawa niyang pagtataksil sa dating asawa.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, naging maayos ang pakikitungo ni Kylie kay Aljur para sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.—FRJ, GMA Integrated News