Sa kabila ng kasikatan, sinabi ni Maxene Magalona na maagang itinanim sa kaniyang isipan ng namayapa niyang ama na si Francis Magalona na, "were not more special or more important, na lahat tayo'y pantay-pantay."

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, tinanong ni Tito Boy kung gaano na mi-miss ni Maxene ang kaniyang ama na tinaguriang "Master Rapper" ng Pilipinas.

“So much,” saad ni Maxene. "Lalo na the kind of person that he was, nakaka-miss talaga siya.”

Binalikan ni Maxene ang mga alaala niya ng kaniyang ama.

"My favorite memory is when he would pick me up from school in Katipunan and we would drive going back to Antipolo just the two of us," sabi niya.

"He would talk to me about 'yung trabaho namin, that we shouldn't look down on other people just because we're on television. He made sure na naintindihan ko 'yon, that we were not more special or more important, na lahat tayo'y pantay-pantay. And this is what he would sing about in 'Kaleidoscope World,' right?" pagpapatuloy ni Maxene.

Pag-alala pa ni Maxene na sinasabi ng kaniyang ama: "People will not remember what you said or what you did, but they will always remember how you made them feel."

Bukod dito, inilahad din ni Maxene na hinahayaan siya ni Francis na maging totoo sa sarili.

"He has that energy where he allows you to be yourself and he holds space for you," sabi pa niya, at idinagdag na alam ni Francis ang pakiramdam na mahusgahan.

"He knows the feeling of being looked at and pointed for your flaws, but then he wants to be that person that 'I'm not gonna judge you 'cause I want to make you feel what it's like not to be judged,'" saad niya.

Pumanaw si Francis noong 2009 dahil sa leukemia.

Kabilang sa hits ni Francis ang "Mga Kababayan," "3 Stars and a Sun," and "Ito ang Gusto Ko."

Noong Marso, nagbigay ng tribute si Maxene kay Francis sa ika-15 death anniversary nito.

https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/899644/maxene-magalona-michael-v-post-francis-m-tributes-on-15th-death-anniversary/story/