Inakusahan ng pangangaliwa ang isang misis sa Cape Town, Africa dahil naging maputi ang kulay ng balat ng kaniyang baby, na hindi katulad ng kulay nila ng kaniyang mister na itim.
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, makikita ang larawan ng masayang pagsasama ng mag-asawang Belvana Abeli at Natalinos.
Maayos na isinilang ni Belvana ang panganay nilang anak na si Zivah.
Muling nagbuntis si Belvana makalipas ang tatlong taon, at nang isilang ang bata, siya man ay nagulat sa hitsura nito.
Maputi ang balat ng ikalawa niyang anak na si Zayana, at iba rin ang kulay ng buhok nito na tila blode.
“People have questioned whether I cheated on my husband with a white person – it’s a lot to deal with. People will ask things about why my one daughter is black and the other is white or ask if she’s adopted. It’s offensive,” sabi ni Belvana.
Ngunit matapos ang genetic testing kay Zanaya, nakumpirmang may albinism siya, isang kondisyon kung saan nagmu-mutate ang genes, kasama ang genes na nagbibigay ng melanin.
Ang mga may albinisim ay may mga mabababang level ng melanin, na siyang nagbibigay ng kulay sa balat, buhok at mata.
“Giving birth to an albino baby was a surprise as albinism was not known to run in any of my families. Having an albino child has been challenging at times due to lack of education about albinism, for example, being told that our daughter needs a special school because albinism is a disability,” sabi ni Belvana.
Nangangailangan ang mga may albinism ng espesyal na pag-aalaga dahil madali sa kanilang makakuha ng sun burn at skin cancer.
Maaari ding maapektuhan ang kanilang paningin.
Kalaunan, natutunan na ng pamilya ang tamang pag-aalaga kay Zayana, pati ang tamang pagsagot sa mga taong humuhusga.
Bagama’t mahirap, walang hindi kakayanin ang mag-asawa para sa kanilang itinuturing “miracle baby.” -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News