Kitang-kita ang kasiyahan sa aktres na si LJ Reyes sa prenup photos nila ng kaniyang soon-to-be-husband na si Philip Evangelista.

Sa Instagram, ni-repost ni LJ ang mga kuha sa kanila ng Nice Print Photography na ginawa sa New York.

"To forever," simpleng caption ni LJ na may kasamang pulang heart emoji.

Suot ni LJ ang white tank top and pants, habang naka-striped white shirt si Philip na tinernohan ng white pants.

Sa comment section, nagpaabot muli ng pagbati at kasiyahan ang mga follower ng aktres, kasama na ang ilang celebrities.

"So happy for you Ms. LJ! Nasa tamang tao ka na po," ayon sa isang nagkomento.

"Happiness looks good on you. Congrats, LJ. You deserve all the goodness in the world," sabi naman ng isa pa.

Sabi naman ni Sugar Mercado, "loveyou GOD is good all the time."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

 

Nitong nakaraang Mayo nang maging engaged sina LJ Philip.

Taong 2021 nang lumipat sa Amerika si LJ, kasama ang mga anak na sina Aki at Summer, matapos silang maghiwalay ni Paolo Contis. —FRJ, GMA Integrated News