Palaban ang karakter ni Rhian Ramos na si Margaret sa Kapuso hit murder mystery drama series na "Royal Blood." Sa tunay na buhay, gaano kaya palaban ang aktres?

Sa “Ask Me Anything” ng GMA Network Online Exclusive, ipinasagot kay Rhian ng mga kakaibang tanong na tila may kaugnayan sa kaniyang karakter na si "Margaret' sa “Royal Blood.”

Sa tunay na buhay, sinabi ng aktres na mahiyain siya taliwas sa posibleng akala ng mga tao na masyado siyang kompiyansa sa sarili dahil isa siyang artista.

"I'm actually very shy. I'm almost afraid of people. And yah, I'm introverted, saad ni Rhian, "I need like a long recovery period when I socialized like I have to stay on my room for a long time."

Inilahad din niya ang kaniyang gagawin kung may taong nakagawa ng napakalaking pagkakamali sa kaniya.
.
“Say a lot of mean things. Like if I’m really hurt or angry at someone, then I’ll probably yell at them and say a lot of mean things,” pagtatapat ng Kapuso actress.

At kung malalaman naman niya na nililiko siya ng kaniyang partner, natatawang sagot ni Rhian na kaniya raw gagawin:

“I’ll kill him. Charot!” biro ng aktres.

“Breakup, I guess that’s what you have to do, you can’t just let that happen right? So you gotta walk away,” seryoso niyang sagot.

Kaya naman ang “best revenge” para sa kaniya ay ang “success.”

“You just continue your life and find joy and happiness. I think whoever your enemies are, are really gonna hate that and that’s the best thing you can do for yourself,” sabi ni Rhian.

Ang “Royal Blood” ay tungkol sa magkakapatid na sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian), at Beatrice (Lianne Valentin), na anak ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III), na biglang mamamatay.

Papasok sa kuwento si Napoy (Dingdong Dantes), ang anak sa labas ni Gustavo, na mula sa mahirap na pamilya.

Susubukan ni Gustavo na makipag-ayos kay Napoy, at makasundo nito ang iba pa niyang mga kapatid hanggang sa mangyari ang pagkamatay ng kanilang padre de pamilya.

Magiging suspek ang lahat sa pagkamatay ni Gustavo, kasama na si Napoy, at ang kaniyang mga kapatid. --FRJ, GMA Integrated News