Ayon sa isang feng shui adviser, ang 2023 o Year of the Yin Water Rabbit ay pag-usbong din ng lovelife dahil sumisimbolo ng "flower of romance" ang rabbit. Ano kaya ang magiging kapalaran ng ilang Kapuso coupl pagdating sa kanilang lovelife? Alamin.
"Being the flower of romance, expect that there will be lots of romance blossoming this year," sabi ni feng shui expert na si Lois Alog sa Unang Hirit nitong Huwebes.
Magiging masuwerte rin sa lovelife ang apat na animal signs na may direktang affinity sa flower of romance tulad ng Tiger at Horse.
Kaya naman ayon kay Alog, magiging blossoming ang lovelife ng Kapuso royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil pareho silang may peach blossom luck.
"Lalo nilang paiigtingin 'yung pagmamahalan nila sa isa't isa," sabi ni Alog.
Si Heart Evangelista, na ipinanganak sa isang Young Wood Monkey na araw, ay makabubuting gamitin ang taon na ito para pagtibayin ang bond ng kanilang relasyon ng asawa na si Senator Chiz Escudero.
Maganda rin ang takbo ng lovelife ni Chiz, na ipinanganak sa Young Horse Day.
Dagdag ni Alog, Rooster at Ox ang animal signs nina Heart at Chiz kaya meron silang compatibility.
"Together they should spend quality time," payo ni Alog.
Malakas din ang peach blossom ni Dennis Trillo, na ipinanganak sa Young Metal Tiger Day. Kaya naman maaari siyang magsagawa ng mas malaking kasal ngayong taon.
Si Jennylyn Mercado naman ay ipinanganak sa Young Wood Day, kaya walang magiging balakid sa kaniyang lovelife. Mas tahimik ding pipiliin ni Jennylyn at ia-appreciate nang husto si Dennis.
Si Bea Alonzo, na ipinanganak ng Yin Earth Pig Day, ay kailangang panatilihin ang spark ng relationship at i-appreciate ang kaniyang partner na si Dominic Roque.
Si Dominic na ipinanganak sa Young Fire Dog Day ay mainitin ang ulo, kaya kailangan nilang bigyan ng panahon ni Bea ang kanilang relationship para ito'y mapatatag pa.
Si Julie Anne San Jose ay ipinanganak sa Yin Water Rabbit Day, kaya may peach blossom luck rin siya.
"Kung tutuusin, she can settle down this year if she wants to," sabi ni Alog.
Si Rayver Cruz naman na ipinanganak ng Yin Metal Snake Day, status quo ang kaniyang lovelife, at kailangan niyang gamitin ang taon na ito para makilala nang husto ang kaniyang partner.
Si Shaira Diaz naman ay ipinanganak sa Young Wood Horse Day.
"Kung ikaw ay matagal na sa relasyong ito, actually ito 'yung tamang panahon to go to the next level," payo ni Alog kay Shaira.
Kaya naman kailangang pagtibayin nina Shaira at EA Guzman ngayong taon ang kanilang pag-ibig.--FRJ, GMA Integrated News